Bago na umaga pero 'laparin nagbago
Mga tao sakit sa ulo kapwa nila mga tao
Gusto mag bago pero 'di mabago ang kanyang sarili
Nawili na manisi ng iba pero sarili 'di makita ang mali
Sakit sa utak malaki
Ganitong nilalang san kayo pinaglihi
Padami ng padami diba yan nakalagay
Mga tao dun sa metro para nyong pinapatay
Sugal o gabay ang sigaw ng karamihan
Almusal sa lamesa darating ng tanghalian
Mga paaralan nais pa nga nilang buksan
Tama lang para ipasok mismo ang sarili nyo dyaan
Padaan pwede padaan?
Kailangan ko lang talaga mag ka pera baka naman
Ang init ng katawan ay dahil sa lagnat lang
Aking ubo naman ay sa ulan lang
Pitaka na manipis tila ba ay merong hika
Sa tuwing ako'y bubunot kukuha ng mga kwarta
Binenta ko na ang lahat ng pwede mong isipin
Pati parte ng katawan na nasa akin
'Di tayo magkapareho tayo ay hindi pantay
Magkalayo magkaiba ang estado sa buhay
Pano nyo maiintindihan?
Kung mas may malaman bulsa nyo sa aming tyan
Ganto lang talaga mas marami ng tanga
Sa panahon kung san mas aangat ang mga nanghihila pababa
Wag na umasa sa himala
Ikilos ekis sa hiling ikaw na mismo gumawa