LyricsTranslator Logo

Langit

Bea Valera and Ron Henley

  • Available translations: No translations yet
  • Original spelling: Tagalog
  • Views: 43
  • Duration: 04:21
Tagalog
Narinig ko na naman ang pangalan mo
Kapag ganito kadilim ang araw ko
Ang liwanag mo ang kailangan ko
Para makita ko ang nilalakaran ko
Patungo sa puso mo
Kung saan nais kong maging tambayan ko
Sabi nila langit ka lupa lang ako
Kita ko ang sinag ng araw sa mga mata mo
Ngayong gabi sa mga bituin
Makikisabay ako baka sakaling
Pagbalik nila sa langit mapalapit sayo

Kay sarap tingnan ng langit
Kahit nakakangawit na (ngawit na)
Buti nandyan ka isang ngiti mo lang ay langit na (langit na)

Ikaw ang bahaghari
Pagkatapos ng malakas na ulan
Habang ako'y nakahiga
Ikaw ang tanawin mula sa may damuhan
Ang iyong buhok ay kakulay ng kalangit ang may papalubog na araw
Ako ay dahan-dahang nahuhulog na parang bulalakaw

Sabi nila langit ka lupa lang ako
Kumbaga hinalo mo yung kanal sa pabango
Ngayong gabi sa mga bituin makikisabay ako
Baka sakaling pagbalik nila sa langit mapalapit sayo

Kay sarap tingnan ng langit
Kahit nakakangawit na (ngawit na)
Buti nandyan ka isang ngiti mo lang ay langit na

Kay sarap tingnan ng langit
Kahit nakakangawit na (ngawit na)
Buti nandyan ka isang tingin mo lang ay langit na

Ang bingi nakarinig ang bulag nakakita muli
Ang pilay ay nakalakad ang pipi nakapagsalita
Baluktot naging tuwid
Ang pag-ibig pag inisip ito ay nasa puso
Pag pinuso nasa isip masisira lang ang ulo

Sabi nila langit ka lupa lang ako
Wala daw akong ka-pag -asa pag-asa sayo
Ngayong gabi sa mga bituin makikisabay ako
Baka sakaling pagbalik nila sa langit mapalapit sayo

Kay sarap tingnan ng langit
Kahit nakakangawit na (ngawit na)
Buti nandyan ka isang ngiti mo lang ay langit na

Kay sarap tingnan ng langit
Kahit nakakangawit na (ngawit na)
Buti nandyan ka isang tingin mo lang ay langit na

Naiwan ng tren
Punuan ang jeep
Laging nahuhulog sa sinasakyang trip
Tumirik sa baha
Laging pinapahinto
Kaharap ko lagi ay saradong pinto
Basang basa ng ulan walang payong
Masungit ata ang tadhana sakin maghapon
Laging nasa hulihan ng pila
Payuko na sana tapos bigla kang nagpakita

Buti na lang nandyan ka
Buti na lang buti na lang nandyan ka sinta
Buti na lang nandyan ka
Buti na lang buti na lang nandyan ka sinta

Kay sarap tingnan ng langit (oh oh oh oh oh oh oh oh)
Kay sarap tingnan ng langit (oh oh oh oh oh oh oh oh)
No translation found for this song!
Submit translation

Written by: RON JOSEPH A. HENLEY

Lyrics © Universal Music Publishing Group

Share your thoughts on Langit

0 comments

FAQ

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Sed iaculis dolor urna, vitae porttitor magna fermentum in. Nunc nec rutrum velit. Praesent fermentum arcu sed turpis aliquet.
Interdum et malesuada fames ac ante ipsum primis in faucibus. Quisque viverra elit nec blandit vestibulum. Curabitur tortor orci, convallis nec aliquam et, convallis sed tortor.
Suspendisse tincidunt sem tellus, ac finibus neque feugiat a. Nam consequat efficitur sem vel fringilla. Etiam interdum, est vel imperdiet sodales, felis turpis ornare turpis, vel ornare elit dolor vitae purus. Pellentesque vel hendrerit ante. Aenean egestas, odio at porta euismod, velit nulla hendrerit felis.
Proin quis massa ac urna sagittis imperdiet a non massa. Sed risus massa, aliquet ac gravida a, rhoncus in metus. Orci varius natoque penatibus et magnis dis parturient montes, nascetur ridiculus mus.
Read more
© Copyright 2024 LyricsTranslator.com