Dami ng tanong walang sagot na dumating
Mula sa mga tala sa itaas nag niningning
Nasaan kana kaya binibining para sa'kin
Kusinero ng ating buhay handa ka bang ihain
Daan ay kay ikli para ating problemahin
Negatibong daan positibong lalakarin
'Di na masama na tadhana ay kalabanin
Yun lang ang tanging paraan para ika'y mapa saakin
Pana ni Cupido may epekto pa kaya
Handa 'ko sumugal kahit takot pa tumaya
Ang magka gusto ka sa'kin ay isa bang himala
Anghel sa kalangitan sana handa kang bumaba
Wala ng ibang nais kundi ang ibigin ka
Gusto kong mag bida kung ito man ay pelikula
Tinikom na bibig wala ng dapat na sabihin pa
Itutuloy nalang pag ika'y kapiling na
Oo ako'y sabik na
Makita ka't makasama
Gigising na tuwing umaga
Kapiling ka sinta
Oo ako'y sabik na
Makita ka't makasama
Gigising na tuwing umaga
Kapiling ka sinta
Let's make this place like a paradise
Go get some rh and a bucket full of ice
Konti lang inumin bawal tayong malasing
Aawitan pa kita hanggang paligid mag dilim
Lulutuan na kita ng paborito mong pagkain
Umupo ka lamang dyan habang ako ay nag hahain
Tayo ay naka ngiti bawat sandali
'Di pa nya kase natikman luto ko ngayong gabi
Asido sa'king dibdib imbis na ako'y tunawin
Ito pa ang nag linis sa puso kong kalawangin
Galit nya na mukha kaya pa'ko patawanin
Aking kayamanan ang matawag ka na akin
Mundong tahimik ikaw naging pampagising
Ako'y hari na sayo handa maging isang alipin
Sa dami ng nangyare nabulok mga tanim
Sa taon na 'to ikaw lang mabuting dumating
Oo ako'y sabik na
Makita ka't makasama
Gigising na tuwing umaga
Kapiling ka sinta
Oo ako'y sabik na
Makita ka't makasama
Gigising na tuwing umaga
Kapiling ka sinta