LyricsTranslator Logo

Polaroid

Kiyo, Alisson Shore and No$ia

  • Available translations: No translations yet
  • Original spelling: Tagalog
  • Views: 1
  • Duration: 03:18
Tagalog
Parang panaginip tayong dalawa
At ayoko ng magising mahimbing na
Ang pagtulog nahulog nalunod
Ng nag iisa

Sa pagpikit ng aking mga mata
Ayoko ng magising
Pagka't gusto pang madama
Mga kundiman na tungkol sa'ting dalawa
Pero ako lang ang may alam
Ipaalam sayo'y di na kailangan pa
Alaala na nasulyapan
Sa litrato ng aking mapaglarong kaisipan
Iniisip hanggang kailan sa tadhana'y makipagbiruan
Sa ideya na tayo at hindi sa panaginip lang
Kaya ganito na lang
Nakakabighani kapag tinitingnan ka lang
Mabuti nang ganito na lang
Andun ka lang tinatanaw mga ngiting nakakasilaw
Naku po kung alam mo lang
Kapag dumadaan biglang ang bagal na ng lahat
Mga pasimpleng hawi ng buhok nahulog agad
Sa'king isip ikaw ay kapiling at akin ka
Kung panaginip lang lahat limang minuto pa

Tunay na masayang ngiti
Tumitig lang sayo nabighani oh
'Pag nakita ang iyong larawan
Lungkot ay humahawi oh

Parang panaginip tayong dalawa
At ayoko ng magising mahimbing na
Ang pagtulog nahulog nalunod
Ng nag iisa

Salamat at ako'y nagising
Sa isang bangungot na akala ko'y tulog na mahimbing
Naalimpungatan sa mga demonyong akala'y ko'y kaya
Kong itumba ngunit pinilit nilang ako'y malasing
Ni ang kwarto'ng pinagsaluhan nating dalawa ay
Mismong siya na rin ang umiiling
Sa isang larawang nagsilbing ebidensya na akala ko'y
Mapapag aralan mo rin akong mahalin

Magkasama tayo sa isang larawan
Nakangiti ka habang ako'y nakatingin sayong mga mata
Sumagi bigla ang aking mga isipan na
Ang lahat ng ito ay isang kalokohan lang
Bawat oras iniisip kang makasama at
Pero lahat ng ito ay aking mga mahika
Lahat ng alaala nating dalawa
Alaalang ako lang ang nakadarama
No translation found for this song!
Submit translation

Lyrics © Songtrust Ave

Share your thoughts on Polaroid

0 comments

FAQ

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Sed iaculis dolor urna, vitae porttitor magna fermentum in. Nunc nec rutrum velit. Praesent fermentum arcu sed turpis aliquet.
Interdum et malesuada fames ac ante ipsum primis in faucibus. Quisque viverra elit nec blandit vestibulum. Curabitur tortor orci, convallis nec aliquam et, convallis sed tortor.
Suspendisse tincidunt sem tellus, ac finibus neque feugiat a. Nam consequat efficitur sem vel fringilla. Etiam interdum, est vel imperdiet sodales, felis turpis ornare turpis, vel ornare elit dolor vitae purus. Pellentesque vel hendrerit ante. Aenean egestas, odio at porta euismod, velit nulla hendrerit felis.
Proin quis massa ac urna sagittis imperdiet a non massa. Sed risus massa, aliquet ac gravida a, rhoncus in metus. Orci varius natoque penatibus et magnis dis parturient montes, nascetur ridiculus mus.
Read more
© Copyright 2024 LyricsTranslator.com