LyricsTranslator Logo

SALOOBIN

HAYES

  • Available translations: No translations yet
  • Original spelling: Tagalog
  • Views: 3
  • Duration: 04:49
Tagalog
Aanhin ang mahabang buhay kung daan ay eskinita
Kailangan mong kumayod mag damag hanggang umaga
Para lang sa salapi hindi para yumaman
Halos magpakamatay mabili lang mga kailangan
Hindi kapa ba na umay ano ang pananaw
Kailangan ba mag bago o ikaw ay kayod kalabaw
Habang buhay parang gulay ka pag abot ng singkwenta
Dun sa kama naka hilata tsaka ka lang makakalaya
Sa sistema kung saan ka nakulong mula iyong pagkabata
Kung saan kailangan ang luha bago makatawa
Kung saan iyong mga pangarap may sisira pero dapat dedma
Dahil sino nga ba sila para iyong pakinggan
Boses ba nila ang palaman mo sa tiyan
Di lahat ng bagay kailangan ay iniisip
O ang iyong pangarap mananatiling panaginip
Kung madami kang hangarin wag idaan sa panalangin
Wag umasang makamit salitang hatid ng hangin
Kahit di mona aminin ika'y isang alipin
Sa sarili mong isipan na negatibo laging hain
Eto ating kahon ang modernong panahon
Kung san may mga mulat pero bibig naman tikom
Kung san may mga lumuha kaya sa alak nalulong
Kung san maraming mayaman pero mas marami ang gutom
Nag nakaw ang mag nanakaw dahil sila'y ninakawan
Binaril sa ulo sa kanto ang taong walang laban
May gumawa ng masama kahit labag sa kalooban
May nag benta ng katawan para lang meron pang hapunan
Ano nga bang kasagutan diyos ba o agham
Sinong pwedeng tanungin o pwede ko na malapitan
Nabuhay ka sa mundo ng walang kaalam-alam
Bago mo natuklasan may bayad 'yong kada hakbang
Eto ang buhay ano pabang patunay
Ika'y buhay pero parang lubog kana sa hukay
Lahat may sungay pati mga kaibigan
Meron mang iiwan pag hindi kana kailangan
May mananatili pero may mga aalis
Kung parte kana ng bahay di ka pwedeng mawalis
Di nabubura mga memorya sainyo
Di ako nakalimot naka alala lang kayo
Naging bantay din ako sa may barangay
Diko lubos maisip na kabataan pwede saking pumatay
Grabe man trip tapos sabit dun sa jeep
Inyo bang kaligayahan talaga ay manakit
Usok dito sa kalsada kailangan kong matiis
Sana may bumili na nitong twalyang pampunas pawis
Aking mga tinda yosi't pagkaing nakabalot
Kung di mabenta kahit wag lang sanang madukot
Sa aking pag uwe ako sana ang hanapin
At hindi mga salapi at matamis na pagkain
Kung wala akong dala pasensya na
Bakit ganyan inyong mukha hindi ba kayo masaya
Kami na nga kumayod kami pang nahihirapan
Kung sino na nag saka sila walang kanin pati ulam
Sa lamesa pati pera pahirapan kung hanapin
Kailan kaya papalarin kapeng barako pati saging nanaman
May pag asa pabang umangat
Sa buhay na may kapalit bawat kagat
Kung sino pa ang nag ani
Bakit sila pa ang nag babakasakali
No translation found for this song!
Submit translation

Written by: Darren Montemayor

Lyrics © DistroKid

Share your thoughts on SALOOBIN

0 comments

FAQ

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Sed iaculis dolor urna, vitae porttitor magna fermentum in. Nunc nec rutrum velit. Praesent fermentum arcu sed turpis aliquet.
Interdum et malesuada fames ac ante ipsum primis in faucibus. Quisque viverra elit nec blandit vestibulum. Curabitur tortor orci, convallis nec aliquam et, convallis sed tortor.
Suspendisse tincidunt sem tellus, ac finibus neque feugiat a. Nam consequat efficitur sem vel fringilla. Etiam interdum, est vel imperdiet sodales, felis turpis ornare turpis, vel ornare elit dolor vitae purus. Pellentesque vel hendrerit ante. Aenean egestas, odio at porta euismod, velit nulla hendrerit felis.
Proin quis massa ac urna sagittis imperdiet a non massa. Sed risus massa, aliquet ac gravida a, rhoncus in metus. Orci varius natoque penatibus et magnis dis parturient montes, nascetur ridiculus mus.
Read more
© Copyright 2024 LyricsTranslator.com