Kita mo naman mga mata pababa
Sa lakas ng aking tawa kaluluwa'y kumawala
Makulay na mga damo sa lugar na walang bato
Parang nasa paraiso sino kaya ang lumikha
Nais kita makausap dito tayo sa may ulap
Hirap mo na mahagilap kaya pwede bang
Kahit sandaling panahon lang ibigay
Kailangan ng sagot bago pa ako humimlay
San nga ba ako tutungo pag katawan tuluyan ng sumuko
Itaas o ibaba o balik sa aking pagkabata
Ano nga ba, ang tunay na sagot diba
Di mo naman alam kaya bakit ka matatakot
Na mabuhay sa iyong gusto libutin ang buong mundo
Di lahat ng bawal masama yan ang payo ko
Wag puro isipan gamitin din ang puso
Maging tanga minsan kailangan para matuto
Lumayo sandali ikaw ay ngumiti
Wag ka mag madali sa buhay na kay ikli
Kutis mo na puti gawin kayumanggi
Kada dilat ng mata biyaya ni bathala
Bago na umaga bagong pag asa
Kita mo ang langit meron naka guhit
Teka lang di mo kailangan mag madali
Iyong mga nais di naman imposible
Na makamit kahit di kabisado
Ge tahakin mo di kailangan tumakbo
Ilang oras o minuto ang lumipas dapat mag isip
Sagot sa katanungan sa utak naka dikit
Kabisado mo naba ang mga pwedeng humadlang
Iwan ibang memorya sa iyong nakaraan
Lalo yung masakit, mapait, ang timpla
Dagdagan mo ng asukal para lasa mag iba
Pawis ang tinta sa lapis ng isang makata
Para sa masa lumasa pulido dapat ang obra
Pera gawing gasolina utak ating makina
Tenga lang kailangan para sumaya ang lumikha
Lumayo sandali ikaw ay ngumiti
Sayang mga ngipin kung tatago mo sa labi
Gupitin ang tali ikaw ay lumaya
Kada dilat ng mata biyaya ni bathala