Gusto kong mapag-isa
Hirap magpigil ng luha
Akala ko'y kakayanin
Hindi pa pala
Gusto kong sumigaw
Ilabas ang sakit
Mga halik at yakap
'Di na ba mauulit
Akala'y walang hangganan
Ilang beses sinubukan
Ang hirap namang tumahan
Bakit kaya
Di na kinaya
Bigla ka na lang bumitaw
Pahinga muna
Mga puso nating pagod at naligaw
Patawad, salamat
Mahal
Mga tanong sa isip
Di ko na mabilang
Bakit di na kumapit
Saan ako nagkulang
Akala'y walang hangganan
Ilang beses sinubukan
Ang hirap namang tumahan
Bakit kaya
Di na kinaya
Bigla ka na lang bumitaw
Pahinga muna
Mga puso nating pagod at naligaw
Patawad, salamat
Mahal