Maria aking clara
Ngayon ko lang nakita
Iyong aura kakaiba para bang may bahid ng mahika
San kaba nakatira kasi ikaw ay 'di ko na madama
Simula nung isang araw
Nung ikaw ay huli kong nasulyapan don sa may gubat
Na medyo makalat ako ay nasusugat
Sa tuwing ikaw ay aking naiisip
Nakikita lang talaga kita sa aking panaginip
Imahinasyon o realidad ako ay naiipit
Hindi ko na alam kung san ka hahanapin
Sana naman palarin ni bathala
O bahala nalang kilos ba o abang
Harapin ang hadlang o baka hibang lang
Ako sayo nako medyo delikado yung ganito
Pano na 'to talong talo ako
Maria aking clara
Meron bang pag asa
Pinapantasya
Ka talaga simula nung una
Kang makita
Ako'y nabigla
Mala diwata taglay mong ganda
Sana makasama ka 'gang sa pagtanda